-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang collector ng STL sa San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Bagabag Police Station, Nueva Vizcaya Provincial Drug Enforcement Unit at Regional Drug Enforcement Unit, PRO2 ang drug buy-bust operation laban sa pinaghihinalaan.

Nakipag-transaksyon ang isang pulis na umaktong buyer at nakabili ng tatlong pakete ng shabu sa halagang P4,000 kay Alma Sagauinit, 51-anyos at residente ng Brgy. San Pedro.

Bukod sa ibinentang shabu ay nakumpiska rin kay Sagauinit ang 61.5 grams ng hinihinalang marijuana na may street value na P15,000, isang sling bag, motorsiklo, isang piraso ng P1,000, dalawang piraso ng P1,000 na boodle money at P12,620 na cash.

Dinala sa Bagabag Police Station ang pinaghihinalaan at mga ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.