-- Advertisements --
Nagtapos sa ika-pitong puwesto si Riannah Chantelle Coleman sa Women’s 200m Breaststroke Final ng Dakar 2026 Youth Olympic Games, matapos makapagtala ng 2:45.70, na mas mabilis ng halos dalawang segundo kumpara sa kanyang qualifying time na 2:47.64.
Sa kabila ng matinding init ng panahon habang isinasagawa ang kompetisyon, ipinakita ni Coleman ang kanyang determinasyon na tapusin ang karera. Agad din siyang nabigyan ng atensiyong medikal matapos ang kanyang paglangoy at naging maayos ang kanyang kondisyon.
Hindi pa rito nagtatapos ang kanyang kampanya dahil nakatakda pa siyang sumabak sa Women’s 100m Breaststroke sa Nobyembre 3 at Women’s 50m Breaststroke sa Nobyembre 5.








