Masaya bagama’t may halong panghihinayang si Coleen Garcia sa pagsailalim nito sa “unmedicated water birth” sa kanilang bahay sa Quezon City.
Pahayag ito ng 27-year old actress matapos maisilang ang panganay na tsikiting nila ng 38-year-old celebrity husband na si Billy Crawford.
Kuwento ni Coleen, nakakapangsisi na hindi siya nag-take ng anomang pain killers pero proud sa sarili na kanya itong nakayanan hanggang sa mailuwal si baby Amari.
Nabatid na pinaghandaan ni Mrs. Crawford ang panganganak sa bahay lamang sa pamamagitan ng pag-work out pa rin kahit kabuwanan na upang mapalakas ang pelvic floor muscles.
Samantala tulad ni Garcia, baby boy din ang isinilang ng TV host na si Dianne Medina bilang panganay nila ng aktor na si Rodjun Cruz.
Kahapon nang kapwa manganak ang dalawang nabanggit na celebrity mommies.
Pinangalanan nina Dianne at Rodjun Cruz ang kanilang baby na si Rodolfo Joaquin Diego III.
Kung maaalala, water birth din sa bahay ang naisip na paraan ng panganganak ni Max Collins sa panganay na anak nila ni Pancho Magno.
Ito’y matapos pinili ni Max na sa bahay manganak bilang pag-iingat sa coronavirus.