-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsampa ng petition for certiorari sa Korte Suprema ang Iligan City government laban sa Commission on Audit (COA), CONAL Holdings, Mindanao Power Corporation (MPC) at mga opisyal ng lungsod.

Nag-ugat ang kaso sa pagbenta ng Independent Power Plant 1 and 2 matapos itong i-foreclose ng pamahalaang lokal dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon kay Iligan City Legal Officer Atty. Voltaire Rovira, iligal ang pagbenta sa nasabing power plants, subalit idineklara itong legal ng COA.

Sinabi nito na kanilang pinaabot sa Korte Suprema ang kaso dahil puwede pa umanong mabawi ng city government ang naturang power plant.

Dagdag pa ni Atty. Rovira na inutusan na ng Supreme Court ang COA, CONAL Holdings, MPC at mga opisyal ng nagbenta sa Power Plant na nagsumite ng kanilang sagot sa petisyon.

Naniniwala ito na muling makukuha ng Iligan City government ang naturang power plant dahil binigyang halaga ng hukuman ang kanilang isinampang kaso.