-- Advertisements --

Iginiit ng Malacañang na walang magiging epekto sa pagbubukas ng klase ano man ang mga susunod na quarantine classification ng Metro Manila at mga karatig nitong lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil wala namang ipatutupad na face-to-face classes ang pamahalaan.

Ayon kay Sec. Roque, blended learning naman ang approach na gagamitin ng mga paaralan para sa patuloy na pag-aaral ng mga estudiyante at wala namang ipinag-utos si Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ito.

Magpapatuloy lamang din umano ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 lalo sa kasalukuyan ay wala rin namang utos si Pangulong Duterte na kanselahin ito.