Kinumpirma ni Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin na dadalo ito sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Duterte.
Sinabi ni CJ Bersamin na bago pa siya naging punong mahistrado, isang beses pa lamang siyang nakadalo ng SONA.
Pero posible raw na ito na ang magiging huling pagdalo niya sa SONA dahil mag-reretiro na siya bilang punong mahistrado sa Oktubre 18.
Maliban sa punong mahistrado, may iba na rin umanong mga mahistrado ang kumpirmadong dadalo sa SONA dahil bahagi rin naman ito ng kanilang official function sa pamahalaan.
Samantala, pati si Justice Sec. Menardo Guevarra ay kinumpirma ring dadalo sa ika-apat na SONA ni Duterte.
Si Guevarra ay makailang ulit na ring naging caretaker ng Malacañang noong may pinuntahang event si Duterte sa ibang bansa.