Pinarangalan ng Civil Service Commission (CSC) ang Department of Education (DepEd) bilang isa sa 20 top-performing government offices na may pinakamataas na public complaints resolution.
Sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Civil Service, ginawaran ng Certificate of Recognition ang DepEd para sa pagkamit ng isa sa pinakamataas na complaints resolution rates sa nakalipas na dekada bilang Contact Center ng Bayan partner.
Nasungkit ng ahensya ang mataas na resolution rate para sa CCB-related concerns at ngayong taon ay nakamit ng Public Affairs Service – Public Assistance and Action Center ang 87.3 percent resolution rate.
Ipinaliwanag ng DepEd na sa loob ng isang dekada ay nagsilbing pangunahing feedback facility platform ng pamahalaan ang CCB.
Nagbibigay-daan ito sa pampublikong transaksyon upang maipalabas ang hinaing o suliranin hinggil sa kalidad ng mga serbisyo ng gobyerno.
Una nang kinilala ang DepEd bilang top-requested at top-performing agency sa 2021 FOI Awards.