-- Advertisements --
Pumirma ng bagong batas si Russian President Vladimir Putin na nagbibigay ng magaan na paraan para maging Russian citizens.
Ang nasabing batas ay para lamang sa mga dayuhan na interesadong pumasok sa Russian military.
Nakasaad sa nasabing batas na ang mga dayuhan na nagsisilbi sa Russian military ay maaari ng maging citizen kahit na hindi magpresenta ng residence permit.
Pasok din sa batas ang mga foreigners na mayroong kontrata ng isang taon sa Russian Armed Forces.
Ang hakbang ay isinagawa ni Putin matapos ang pag-anunsiyo ng ‘partial mobilization’ laban sa Ukraine.