-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit kumulang sa 21 ka tao ang kinasuhan ng perjury at estaffa sa Criminal Investigation and Detection Group 12 .

Nagsimula umano ng inimbestigahan ang 137 na mga indibidwal na iniugnay sa pamimigay ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and development.

Nilinaw ng CIDG na mga residente nitong rehiyon ang mga isinangkot sa anomalya sa pamimigay ng cash assistance ng gobyerno.

Nagpatuloy naman ang imbestigasyon ng kagawaran sa 55 dagdag na indibidwal na idinawit matapos tinanggap ang cash assistance.

Maliban nito pinawalang sala na ang 22 indibidwal matapos sinauli ang natanggap na cash habang inaalam pa kung sino-sino ang nagdoble ng pagtanggap kagaya ng 4P’s at iba pa.