-- Advertisements --

Bakas ang excitemet ni Ciara Sotto matapos opisyal nang maging miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) at national team na rin ng bansa ang Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA).

Ayon sa 40-year-old singer/actress, bilang founder at pinuno ng PPASA ay dalawang taon ang kanyang iginugol para mapukaw ang atensyon ng POC kaya naman labis ang pasasalamat nito sa Diyos.

Hangad daw niya sa malaking milestone na ito ng pole community ay makilala na hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

https://www.instagram.com/p/CDrB19alVq1/

Si Ciara na kilala rin bilang expert pole dancer ay anak ng kapwa celebrity na si Helen Gamboa at ni Senate President Tito Sotto III.

Galing siya sa failed marriage sa negosyanteng si Jojo Oconer noong 2016 pero ngayon ay masaya na sa piling ng Fil-American non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.

Dalawang taon nang kasintahan ni Ciara si Austin na isang prop builder at sculptor.