-- Advertisements --

Mananatiling buhay sa puso ng American singer na si Christina Perri ang dapat sana’y second baby nito ngunit ito ay patay na nang kanyang isilang.

Sa caption ng ‘A Thousand Years’ hitmaker sa larawan ng kamay ng kanyang newborn baby, tila mabilis lamang ang pangyayari kung saan hindi na nakayanan pang lumaban.

Noong nakaraang linggo nang naospital ang 34-year-old songwriter dahil sa ilang komplikasyon sa kanyang pagbubuntis, at sa susunod na taon pa nakatakdang manganak.

Una nang ibinunyag ni Perri na may birth defect ang kanyang ipinagbubuntis na kung tawagin ay jejunal atresia, isang pambihirang congenital malformation na nagdudulot ng bowel obstruction.

Nabatid na pagpasok pa lamang ng January 2020 ay dumanas na ng miscarriage si Perri, bago nakabuo muli.

Sa ngayon ay two years old na ang kanyang panganay na babae sa celebrity husband na si Paul Costabile.