-- Advertisements --
Nakakuha ng temporary protective order si American actress Chloë Grace Moretz laban sa lalaking umano’y kanyang stalker.
Batay sa ulat, pinagbigyan daw ng Los Angeles County ang inihaing restraining order ng kanyang kapatid na si Brandon laban sa 18-year-old na si Justin Alexander Behr.
Palagi raw kasing pumapasok si Behr sa kanilang bahay nang walang paalam.
Sa ngayon nahaharap sa kasong felony stalking ang nasabing tagahanga matapos maaresto ito sa labas ng kanilang tahanan sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang araw.
Batay sa restraining order, umaakyat daw sa kanilang bakod ang umano’y stalker at kinakalampag ang kanilang mga pinto at bintana upang makapasok sa loob ng bahay.