-- Advertisements --
DAVAO CITY – Sa loob ng bilangguan nagdiwang ng kanyang bagong taon ang isang Chinese national matapos itong mahuli kahapon sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ng Sta. Ana PNP.
Nahuli ang suspek sa loob ng isang Inn sa San Rafael Vill. Brgy.10-A nitong lungsod.
Nakilala ang suspek na si Hu Fang alyas Jack 39-anyos, binata at isang negosyante.
Narekober mula sa kanyang posisyon ang mga pakete ng iligal na druga na may street value na aabot sa P90,000.
Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dayuhan.