-- Advertisements --

Dinala na sa pagamutan ang isang Chinese national matapos na makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kaniya nitong Lunes ng gabi sa lungsod ng Taguig.

Ihahain sana ng PNP Anti-Kidnapping Group ang warrant of arrest laban sa suspek ng bigla ito ng nanlaban at nakipagbarilan.

Nagawa pang tumakas ang suspek lulan ng kaniyang puting SUV hanggang ma-corner ito ng mga umaarestong kapulisan kasama ang Taguig City PNP.

Ayon kay Taguig chief of police Police Col. Robert Baesa na nagkahabulan at nagkabarilan habang papatakas ang suspek kaya maraming mga sasakyan ang nadamay.

Ang warrant ay dahil sa mga kasong deceit, resistance at disobedience to an agent of a person in authority at unjust vexation.

May ikatlong kaso rin ito na kidnapping.