Pina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national na nasa Blue Notice ng International Criminal Police Organization (Interpol).
Ito ay matapos maharang ang 19 anyos na Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport na nanggaling sa Taipei, Taiwan noong Marso 26.
Ayon sa bureau, hindi na pinangalanan pa ang Chinese national bilang pagtalima sa protocols ng Interpol.
Una ng inisyu ang Blue Notice ng Interpol laban sa naturang Chinese national noong Nobyembre 2022 kaugnay sa kaniyang nakabinbing kasong kriminal sa Taiwan kung saan kinasuhan ito noong 2019 ng pagbebenta ng credit cards ng kaniyang kamag-anak sa criminal fraud syndicates.
Tumakas ang naturang suspek mula sa China na nagresulta sa pag-iisyu ng criminal detention warrant laban sa kaniya.