
Agad na nagpaliwanag ang Chinese Embassy sa naging pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Taiwan.
Ayon sa Embahada na misinterpreted o misquoted lamang ng naging pahayag ng Chinese envoy o kinuha lamang ang parte ng naging pahayag nito.
Magugunita kasi na sa idinaos na ika-8 Manila forum noong nakalipas na linggo umani ng batikos sa panig ng Pilipinas ang mga binitiwang pahayag ni Huang.
Isa dito ay ang naging pahayag ni Huang kung saan pinayuan nito ang Pilipinas na tutulan ng walang pag-aalinlangan ang kasarinlan ng Taiwan kesa sa pasidhiin ang apoy sa pamamagitan ng pag-aalok ng access sa mga sundalo ng Amerika sa military bases ng bansa malapit sa Taiwan Strait kung tunay na nagmamalasakit ito sa 150,000 OFws doon.
Kaugnay nito, umapela si Senator Risa Hontiveros sa Malacanang na pagsabihan ang China na i-recall ang naging pahayag ng Chinese envoy.
Nilinaw ng Department of National Defense (DND) na walang intesiyon ang Pilipinas na makialam sa isyu nito sa Taiwan at hindi papapayag na maging kasangkapan ang ating bansa ng ibang mga bansa para makialam sa nasabing isyu.
Ito ay matapos na makailang ulit na binatikos ng China ang EDCA sa pagsasabing nilalagay nito sa panganib ang kapayapaan at istabilidad sa rehiiyon dahil sa pagpapalawig ng kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.










