Pinayuhan ng China ang Pilipinas na tutulan ang kalayaan ng Taiwan sa halip na mag-alok sa US ng access sa mga pasilidad nitong militar malapit sa Taiwan strait.
Ito ay ang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na kung pinangangalagaan ng Pilipinas ang 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.
Mayroon kasing mahigit 150-K na mga Pinoy ang nagttrabaho sa Taiwan na maaari umanong masangkot sa nagaganap na tension ng dalawang nagbabangayang lugar.
Inihalimbawa ng ambassador ang issue sa Mindanao na hindi dapat hayaan ang sinumang third party na makialam sa pagresolba sa mga issue ng mga rebelde sa Mindanao, gayundin din aniya ang sitwasyon ngayon sa Taiwan.
Giit ni Huang, pinapayuhan niya ang Pilipinas na tanggihan o labanan ang ‘Taiwan Independence’ sa halip na pagtuunan ng pansin ang pag-aalok sa US ng access sa mga base militar malapit sa Taiwan Strait upang maiwasan daw na madamay ang ating bansa sa nag-iinit na usapin.