-- Advertisements --

Naitala ng China ang pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw mula ng magsimula ang pandemya.

Mayroon ng 31,528 na COVID-19 ang naitala nitong araw ng Miyerkules na mas higit na mataas sa 28,000 na peak noong Abril.

Mula kasi ng magsimula ang pandemya ay nasa 5,270 ang nasawi.

Magugunitang niluwagan na ng China ang ilang restrictioins gaya ng pagpapababa ng bilang ng araw ng quarantine at may ilang mga lungsod na rin ang inilagay sa lockdown para tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Maraming mga residente ang nagalit dahil sa ipinapatupad na lockdown ng China.