Itinanggi ng Chinese Embassy sa bansa na puwersahan nilang binawi ang bahagi ng bumagsak na rocket nila sa karagatang sakop ng Pilipinas sa Spratly island.
Ayon sa pahayag ng Chinese embassy na mismo ang barko ng Chinese Coast Guard ang nakakita ng nasabing debris na palutang-lutang sa tubig noong Nobyembre 20.
Nabawi lamang nila ang nasabing debris ng magkaroon ng mapayapang konsultasyon sa Philippine coastguard.
Pinabulaanan din nila na hinarang nila ang barko ng Philippine Coast Guard habang kinukuha ang nasabing bahagi ng rocket.
Magugunitang inakusahan ni Vice Admiral Alberto Carlos na hinarang ng barko ng China ang kanilang barko para unahan na makuha ang lumutang na debris.
Nauna rito noong Hulyo ay nakita rin ang bahagi ng rocket ng China na bumagsak sa karagatan ng Sulu.










