-- Advertisements --

Pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga teams sa mga kolehiyo na magluwag na rin sa kanilang guidelines sa mga training sessions.

Ayon sa CHED, maari nang buwagin ang mga bubbles sa mga kolehiyo at puwede na ang uwian ng kanilang players, coaches o varsity squads habang nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Una nang pinulong ni CHED Chairman Prospero de Vera ang mga opisyal ng National Collegiatte Athletic Association (NCAA) at gayundin ang mga opisyal ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Kabilang na lamang sa payo ng CHED ay na dapat mapanatili pa rin ang minimum health protocols at ‘wag magkampante ang mga players para hindi mauwi sa hawaan muli sa COVID-19.