-- Advertisements --

Nanumpa bilang bagong miyembro ng Naitonalist People’s Coalition (NPC) si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson.

Sinabi ni NPC chairman at Senate President Vicente “Tito” Sotto III, isinagawa ang panunumpa ni Singson sa kanilang Clubhouse sa Quezon City.

Ang pagsali ni Singson sa NPC ay kasunod ng pagkakaroon muli ng national assembly sa darating na Hulyo 17 ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) kung saan ito ang partido ng malapit na kaibigan niyang si Senator Manny Pacquiao.

Inamin naman ni Sotto na nagkaroon ng pag-uusap sila ni Pacquiao subalit wala itong kinalaman sa pagsanib sa partido at sa halip ay tungkol sa kung paano patakbuhin ang gobyerno.