-- Advertisements --

Pagagawan ng rebolto sa kaniyang bayan ang pumanaw na actor na si Chadwick Boseman.

Sinabi ni Anderson, South Carolina Mayor Terence Roberts, na ang nasabing rebolto ay bilang pagbibigay pugay sa “Black Panther” star.

Mayroon na aniya silang kinausap na artist at pinag-aaralan na nila kung paano nila mabibigyan ng pugay ang actor.

Maaaring ang rebolto ay kinabibilangan ng mga pinaghalong sculpture na may mural o art elements.

Magugunitang maraming mga fans ng actor ang nalungkot matapos na ito ay pumanaw dahil sa colon cancer.