-- Advertisements --

Plano pa rin ni Canadian singer Celine Dion na makabalik sa concert stage kahit na ito ay may kakaibang neurological disorder.

Noong Disyembre 2022 kasi ng ibunyag ng 55-anyos na singer na ito ay na-diagnosed ng Stiff Person Syndrome na nagiging dahilan ng paninigas ng muscle sa torso, braso at binti na mayroong emotional distress na kilala bilang trigger spasms.

Sinabi nito na isang malaking hamon para sa kaniya ngayon ang nasabing kinakaharap na sakit.

Patuloy ang ginagawa niyang paggamot para ito ay tuluyang gumaling at makabalik sa pagsagawa ng mga konsiyerto.

Pinasalamatan ng singer ang kaniyang mga fans na hindi tumitigil sa pagpaparating ng pagdarasal para ito ay gumaling na.