Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas ang close quarter battle training para sa Cebu Port Authority (CPA).
Idinaos ito kamakailan sa may pantalan upang mapaigting ang kapasidad ng mga ito na mahigpit na bantayan ang port area laban sa anumang banta sa seguridad.
Sinabi ni Coast Guard District Central Visayas Commander, Commodore Luisito Sibayan, na naghanda sila ng aktibidad mula sa fundamental tactics, techniques at procedures para sa team-level, structural-based at dynamic close-quarter room combat.
Ikinatuwa naman ito ng mga nakilahok sa aktibidad upang madagdagan pa ang kanilang kasanayan sa pagganap ng kanilang trabaho.
Maging ang mga byahero ay ikinagalak din ang dagdag na pagsasanay ng mga otoridad, lalo’t may mga naghahasik ng karahasan sa iba’t-ibang lugar, kasama na ang entry points, kagaya ng pantalan at paliparan.