-- Advertisements --

CEBU CITY – Mas binibigyang pansin ng Gobernadora ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu na si Gwendolyn Garcia ang pagbubukas ng ekonomiya.

Ilang mga resort, business establishments at tourist spots sa Cebu ang unti-unting nang bumabalik at nakakarekober galing sa lockdown.

Iginiit ni Garcia na prayoridad nito ang pagbabalik sa mga negosyo at trabaho dahil naaawa ito sa mga taong wala nang makain dahil nawalan ng trabaho.

Subalit nilinaw ng gobernadora na kailangan parin higpitan ang pagpatupad sa mga Health Protocols.

Ngayong Pebrero, isinailalim pa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan at karamihan sa mga negosyo at establisemento ay maaring parin magbukas.

Sa kabilang banda, sinusuportahan ni Garcia ang Department of Health lalo na sa vaccination rollout nito laban sa coronavirus.

Subalit, wala pang plano ang gobernadora na pumasok sa ano mang kasunduan sa pag-angkat at pagbili ng bakuna para sa mga nasasakupan nito. Paglilinaw nito na, hindi pa aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga bakuna papasok sa Pilipinas dahil tanging Emergency Use

Authorization (EUA) lang ang ibinigay nang nasabing ahensya.

“The best that FDA can do is to issue an Emergency Use Authorization. It means that the National Government kung adunay may side effects, the national government will take risk,” dagdag pa sa opisyal.

Ibig sabihin ng opisyal ay hindi pa sigurado ang FDA sa kaligtasan at ka-epektibo sa nasabing produkto kung saan sinusubukan lang itong gamiton dahil sa epekto ng pandemya at sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).