Ipinaliwanag ngayon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung bakit napagdesisyunan nito ang tempoiraryong pagpapasara simula noong Hunyo 2 sa Kawasan falls at canyoneering activities sa bayan ng Badian.
Sa inilabas na pahayag ni Garcia, binanggit nito na nagsasagawa ng clearing operations ang pamahalaang panlalawigan upang maalis ang mga mapanganib na istruktura na iniwan ng Super Typhoon Odette na maaaring magdulot ng pinsala sa mga turistang dumadaan sa canyoneering.
Sinabi pa ng gobernadora na isa pang dahilan kung bakit pansamantala itong isinara ay upang payagan ang mga stakeholder ng turismo sa nasabing bayan na maayos na mag-organisang tamang protocol at pare-parehong mga rate; magpatibay ng pinag-isang pagtrato sa mga panauhin sa canyoneering; at tiyaking natutugunan ang mga wastong pamantayan.
Dagdag ng opisyal na kung ano man ang mangyari sa Cebu ay magrereflect din umano sa ating tourism secretary na si Cristina Garcia Frasco.
“Badian needs to be properly cleared of all hazardous materials that are in the falls. That’s the most immediate. You see, whatever happens to Cebu will ultimately also reflect on our tourism Secretary. She comes from Cebu. And I should be the last person that should give her any problem, ” saad ni Garcia.
Nilinaw naman ni Garcia na magpapatuloy ang canyoneering activities sa karatig bayan ng Alegria at sa Badian lang ang pansamantalang sinuspinde ang mga aktibidad.
Muli namang buksan mula sa publiko ang isa sa sikat at kilalang tourist destination pagkatapos ng mga isinagawang clearing operations.










