Lubos na nagpapasalamat si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa pagbisita sa Cebu at pagdalo ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa awarding ceremony sa mga nanalo sa Pasigarbo sa Sugbo 2022 o ‘fesival of festivals’ ngayong araw August 29, 2022.
Inihayag ni Garcia na naging espesyal pa umano ang aktibidad dahil sa pagdalo ng first lady at ikinatuwa rin ang pagtupad nito sa kanyang pangako.
Maliban sa awarding ceremony, nagkaroon naman ng repeat performance ang mga contingents na nanalo sa nasabing kompetisyon.
Inalala naman ng gobernadora ang kauna-unahang taon na nagsagawa ng nasabing kompetisyon kung saan kaunti lang umano noon ang lumahok na mga contingent.
Umabot sa 50 contingent ang lumahok sa taong ito matapos ang dalawang pahinga habang guest performer naman ang Lapu-lapu City at Mandaue City.
Inilarawan pa ni Garcia ang aktibidad bilang “Pasigarbo sa One Cebu island.”
Ipinagmalaki rin nito na walang ibang festival competition sa bansa na may ganitong bilang ng mga kalahok na contingent.
Sa unang pagkakataon rin, nagkaroon ng online voting para bigyang pagkakataon ang publiko na pumili kung aling festival ang pinakamahusay sa lahat.
Nag-uwi ng kabuuang halagang P26,450,000 na cash prize ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon.
Narito ang mga winners at mga papremyong napanalunan:
RITUAL SHOWDOWN
- Carcar City’s Kabkaban Festival (P5 Million; their choreographer also receives a brand new Skygo motorcycle)
- Toledo City’s Hinulawan Festival (P4 Million)
- City of Naga’s Dagitab Festival (P3 Million)
- Minglanilla’s Sugat-Kabanhawan (P2 Million)
- Bantayan’s Palawod Festival (P1 Million)
- Talisay City’s Halad Inasal Festival (P900 Thousand)
- Liloan’s Rosquillos Festival (P800 Thousand)
- Dalaguete’s Utanon Festival (P700 Thousand)
- Consolacion’s Sarok Festival (P600 Thousand)
- Moalboal’s Kagasangan Festival (P500 Thousand)
STREET DANCING COMPETITION - Carcar City’s Kabkaban Festival (P2 Million)
- Barili’s Panumod Festival (P1.5 Million)
- Liloan’s Rosquillos Festival (P1 Million)
- Minglanilla’s Sugat-Kabanhawan Festival (P750 Thousand)
- Dalaguete’s Utanon Festival (P500 Thousand)
BEST IN ANDAS - Minglanilla’s Sugat-Kabanhawan Festival (P300 Thousand)
- Mandaue City’s Panagtagbo Festival (P200 Thousand)
- Tie: Carcar City’s Kabkaban Festival and Ronda’s Humba Festival (P100 Thousand each)
BEST DECORATED AUDIO VAN - Madridejos’ Isda Festival (P500 Thousand)
- Balamban’s Lingaw-Sadya Festival (P400 Thousand)
- Minglanilla’s Sugat-Kabanhawan Festival (P300 Thousand)
- Consolacion’s Sarok Festival (P200 Thousand)
- Bantayan’s Palawod Festival (P100 Thousand)
BEST FESTIVAL JINGLE
Carcar City’s Kabkaban Festival (P100 Thousand)
BEST FESTIVAL COSTUME
Minglanilla’s Sugat-Kabanhawan Festival (P100 Thousand).