-- Advertisements --
Asymptomatic at kasalukuyan ngayong nag quarantine si Cebu City Mayor Michael Rama matapos nagpositibo sa COVID-19.
Sinuri si Rama bago ang nakatakda sanang pag-alis nito patungong Maynila para sa isang pagpupulong sa Malakanyang.
Sinabi pa ni Dr. Mary Jean Loreche na maayos umano ang kalagayan ng alkalde at walang dapat ikabahala.
Iginiit ni Loreche na ang pagiging fully vaccinated ni Rama at ang pagkakaroon ng booster shot ay tiyak na nag-ambag sa pagiging asymptomatic positive nito.
Sinuri na rin ang lahat ng nakasalamuha ng alkalde sa nakalipas na 14 na araw.
Samantala, sa panig naman ni Rama, muli itong nanawagan sa publiko na magpabakuna na at magpaturok ng booster shot.