-- Advertisements --

Nagkaroon ng makabuluhang pag-uusap sina Cebu City Mayor Mike Rama at miyembro ng Cebu City Sister City Commission sa mga kinatawan ng Vancouver City, Canada para sa posibleng adoption ng sister city ties sa nasabing lungsod.

Lumilikha pa ito ng pagkakataon para sa mga mamamayan at opisyal na maranasan at tuklasin ang palitan ng mga kultura.

Bukod dito, ang sister city relationship ay nagpapabuti sa mga lokal na negosyo, dahil ang cross-border na kalakalan ay lilikha ng mas maraming trabaho na nagresulta sa isang mas mabuting kabuhayan ng mga tao.

Samantala, dinaluhan ni Rama ang Enthronement sa banal na imahe ng Sr. Sto. Niño de Cebu sa Agassiz, Canada na isinagawa sa isang dambana na replika ng Magellan’s Cross nitong lungsod.

Nagkaroon din ng courtesy visit ang alkalde kay Agassiz Mayor Sylvia Pranger at niregaluhan ito ng token sa isang bag na may imahe ng Sto. Niño de Cebu.

Ang Agassiz ay isang maliit na komunidad na may ilang mga Pilipinong residente kung saan karamihan sa mga ito ay nagsasalita ng Cebuano.