-- Advertisements --

Inanunsiyo ng CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) na magsisimula na silang mangulekta ng dagdag singil sa toll sa mga motorista na dumadaan sa CAVITEX C5 Link sa darating na Nobyembre 27.

Magiging epektibo ito ng 12:01 ng hating gabi ng Linggo.

Mayroong P35.00 ang isisingil par asa Class 1 habang ang Class 2 ay mayroong P69.00 at P104.00 naman sa mga Class 3 motorists.

Ang Segment 1 ay sumasako p ng Taguig patungong Merville habang ang Segment 3.2 ay sinasakupan nito ang Merville hanggang E. Rodriguez.

Ang Segment 3.2 o CAVITEX C5 Link ay binuksan noong Agosto 14, 2022.

Mayroong kabuuang 7.7 kilometers ang haba ng CAVITEX C5 na nagkokonekta sa CAVITEX pagdating ng 2023.