Magiging bahagi na rin ng advocacy ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang panawagan sa blood donation.
Pahayag ito ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol bilang bagong ambassador ng Philippines Red Cross.
Sa isang panayam, kaisa aniya siya sa apela na manatili lamang sa bahay kung walang mahalagang lakad sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa.
“The longer we’re in the pandemic I feel it’s easier for people to become more complacent or to think it has passed. We really need to adapt all those health guidelines into our everyday lives,” saad nito sa ABS-CBN.
“Also, making it a practice, if you don’t need to leave the house, please stay home, please stay safe, and always be mindful of the environment and people around you,” dagdag pa ni Gray.
Hangad din ni Cat na magamit nito ang pagiging Philippine Red Cross ambassador niya upang mahikayat ang publiko na mag-donate ng kanilang dugo.
Samantala, umaani ng papuri sa kanyang fans ang pagsabak sa underwater photoshoot para sa kanyang latest magazine cover.
Nabatid na “makulay” ang love life ng pang-apat na Pinay Miss Universe sa piling ng aktor na si Sam Milby.