-- Advertisements --

Nahaharap sa hamon ang relasyon ngayon nina Catriona Gray at Sam Milby.

Ayon sa kanilang talent management company na Cornerstone Management, na walang katotohanan na hiwalay na ang dalawa.

Sa katunayan aniya ay mayroong pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa.

Patuloy aniya nilang inaayos ang anumang gusot sa kanilang relasyon.

Humingi naman ang nasabing talent management company ng pang-unawa at ‘privacy’ sa dalawa.

Magugunitang umugong ang hiwalayan ng dalawa ng mapansin ng kanilang fans na hindi na magkasama ang dalawa sa mga events ganun din ay hindi suot ni Catriona ang engagement ring na bigay ng actor.

Taong 2019 ng inamin ng dalawa ang relasyon nila at noong Pebrero 2023 ay ibinunyag na engage na sila.