-- Advertisements --

Nilamon ng sumiklab na wildfire ang nasa 90% ng Lytton village sa British Columbia sa gitna ng nararanasang heatwave sa probinsiya.

Mabilis na kumalat ang wildfire sa village dahilan para pwersahang inilikas ang nasa 250 mga residente.

wildfire canada BC

Ayon kay Mike Franworth, public safety minister and solicitor general ng British Columbia karamihan sa mga natupok ng wildfire ay mga kabahayan at mga istruktura kabilang ang mga ambulance station at Royal Canadian Mounted Police detachment.

Nananatiling malubha ang nararanasang wildfire sa halos lahat ng parte ng probinsiya ng British Columbia kung saan nasa 62 fire incident ang naitala at 29,000 lightning strikes sa nakalipas na 24 na oras.

Ang climate nightmare sa Lytton vilage ay resulta aniya ng “heat dome” na epekto ng high pressure.

Ngayong linggo, nakapagtala ng pinakamainit na temperatura sa loob ng tatlong magkakasunod na araw kung saan nitong Martes, umabot sa 49.6 degrees Celsius (121.3F) na itinuturing na pinakamainit na temperatura na naitala sa Canada.