Muling naglabas ngayon ang Ukraine government ng kanilang datos sa umano’y mga napapatay nila na mga Russian personnel at mga gamit na pandigma na nawasak habang mahigit na nga sa isang buwan ang giyera doon.
Sinasabing nasa 19,000 na mga Russian soldiers daw ang kanilang napapatay na sumalakas sa Ukriane.
Umaabot na rin daw sa 150 mga Russian aircraft ang napabagsak 135 na mga helicopters naman ang tinamaan ng kanilang anti aircraft.
Umabot na rin daw sa 700 mga tangke pang-giyera ng urssia ang na nuetralize.
Mahigit 70 mga fuel tanks ang pinasabog.
Nasa 1,891 naman na mga armourced personnel vehicles ng Russia ang nawasak.
Habang marami na rin daw na mga artillery systems ng Russia, pati mga Anti Aircraft Warfare System ang pinasabog din ng Ukraine.
Samantala, naglabas din naman ang Ukraine prosecutors generals ng listahan ng mga paglabag ng tropa ng Russia.
Sa kanilang paglilista nasa 5,149 na raw ang mga ginagawang krimen o war crime.
May tinatawag din silang crimes against national security na nasa 2,541.
Ukol naman sa crimes against children nasa 169 na mga bata na ang amatay at nadamay at 306 ang mga sugatan na mga bata.