-- Advertisements --

Pumalo sa $2.6 billion ang cash remittances ng mga overseas Filipinos noong Agosto 2019, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na mas mataas ito ng 4.6 percent kumpara sa kaparehas na buwan noong nakaraang taon.

Dahil dito, ang kabuuang cash remittances sa unang walong buwan ng taon sa $19.8 billion, mas mataas ng 3.9 percent kumpara sa kaparehas na period noong 2018.

Nabatid na ang personnal remittances naman ay pumalo sa $2.9 billion noong Agosto, o 4.2 percent na mas mataas kaysa $2.8 billion noong Agosto 2018, ayon sa BSP.

Sa ngayon, ang kabuuang personal remittances sa unang walong buwan ng taon ay aabot na sa $22 billion, mas mataas ng 3.6 percent kumpara noong nakaraang taon.

Ang Estados Unidos ang pinakamataas na share sa overall remittances mula Enero hanggang Agosto 2019 sa 37 percent.

Pumapangalawa rito ayon sa central bank ang Saudi Arabia, sumunod ang Singapore, United Arab Emirates, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Germany at Kuwait.