-- Advertisements --
Screenshot 2020 11 21 12 15 18

DAVAO CITY – Patay ang isang carnapper matapos itong makipagbarilan sa mga personahe ng Talomo PNP pasado alas dos kaninang madaling araw sa bypass road Catalunan, Pequeño sa Davao City.

Sa isinagawang imbestigayon ng Talomo PNP, hinarang ng mga pulis ang suspek ngunit bigla umano itong bumunot ng kanyang armas.

Nangyari pa ang habulan hanggang sa sumemplang ang motorsiklo ng suspek.

Nawasak naman ang wind shield sa patrol car ng PNP matapos barilin ng suspek.

Ayon pa kay Police Major Sean Logronio, hepe ng Talomo PNP may nagreklamo sa kanilang opisina patungkol sa ninakaw na motorsiklo dahilan na nagsagawa agad sila ng operasyon.

Narekober sa crime scene ang sari-saring mga ATM cards, maraming klase ng susi, ID, mga gamit, dalawang ORCR ng motor, maliit na pakete ng shabu at ang ninakaw na motorsiklo.

Inaalam pa ngayon ng otoridad ang pagkatao ng suspek na inilarawang nasa 30-anyos ang edad.