-- Advertisements --
Nagsilbing pagsubok daw sa pananalig ni Carmi Martin sa Diyos, ang panahon bago siya makarekober mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa 57-year-old actress, labis siyang nalungkot noong maging COVID positive dahil siya’y asymptomatic kung saan tanging pagtaas ng blood pressure ang pangit sa kanyang kalusugan.
Gayunman, “honeymoon” sa Diyos kung ituring ni Carmi ang kanyang 2 week quarantine kung saan madalas ay dasal lang aniya siya para sa lahat ng kapwa niya COVID patients.
Nitong September 13 nang magpa-swab test ang beteranang aktres bilang requirement sa kakatampukang digital series.