Carmelo anthony 1
Carmelo Anthony

Magkakaroon ng pangalawang tiyansa ang beteranong manlalaro na si Carmelo Anthony matapos mapabalitang pipirma siya sa Portland Trailblazers sa Western Conference ng NBA sa isang non-guaranteed deal.

Mahigit isang taon na nawala sa NBA ang 35-anyos na si Anthony matapos bitawan ng Houston Rockets noong huling season sa loob lamang ng 10 mga laro.

Ang deal kay Anthony ay maihahanlintulad sa pagkuha ulit kay Dwight Howard ng Los Angeles Lakers.

Maaring maghiwalay muli ng landas ang dalawa depende sa magiging performance ni Anthony sa koponan.

Kung sakaling mangyari ito maliit lamang ang epekto nito sa budget ng Blazers.

Isang 10-time all-star at six-time All-NBA player si Carmelo Anthony.

Kilala siya bilang isang halimaw na scorer lalo na sa poste kung kaya’t aasahan ang kaniyang produksyon para punan ang pilay na frontcourt ng Portland.

Inaabangan ng marami ang pagbabalik ni Anthony sa liga na naging kontrobersyal last season.

Makailang ulit na ring sinubukang kunin ng Portland si Anthony at sa pagkakataong ito ay naging katotohanan.

Makakasama niya sa koponan ang backcourt duo nina Damian Liliard at CJ McCollum.

Ayon pa sa report, sasama na sa koponan sa Sabado si Anthony para sa kanilang anim na araw na road games ngunit hindi pa tiyak kung kailan ang opisyal na pagtapak sa court ng power forward.