Target ni two-time Olympic champion Pinoy gymnast Carlos Yulo na makamit ang kauna-unahang gintong medalya sa Asian Games na gaganapin sa Aichi-Nagoya, Japan sa buwan ng Setyembre.
Sasabak siya men’s artistic gymnastic competition kung saan makakasama niya ang kapatid na si Eldrew Yulo at ilang Pinoy gymnasts na sina Justine Ace De Leon, Miguel Besana at Zachary Cortins Nunez.
Kahit na mayroon ng 12 gold medals sa Asian Championship ay hindi pa nakakuha ng gintong medalya si Yulo sa Asian Games.
Noong 2018 Asian Games ay nanguna si Yulo sa qualification ng floor exercise pero naging pampitong puwesto sa final.
Hindi nakapaglaro ang Filipino gymnast noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China matapos na piliin ang maglaro sa World Championships sa Belgium.
Nagiging paborito ngayon si Yuo na manalo sa Asian Games floor exercise at vault category.
















