Kaliwa’t kanang congratulatory messages ang inaani ni Carlo Aquino kasunod ng pag-post nito ng larawan ng isang newborn baby.
Base sa kanyang Instagram post, “Enola Mithi Aquino” ang pangalan ng sanggol at naka-tag ang pangalan ng non-sbowbiz girlfriend niyang si Trina Candaza.
“You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one,” caption pa ni Aquino.
Nabatid na kamakailan lang nang magdiwang si Carlo ng kanyang 35th birthday.
Wala namang direktang pahayag ang magkasintahan kung baby nila ang nasa naturang larawan.
Setyembre 2019 lang nang isapubliko ng aktor ang sweet photo nila ni Trina, matapos ang ilang buwang ispekulasyon sa kanyang love life.
Habang nitong Pebrero o bago mag-lockdown ay ipinahayag ni Carlo Aquino na tila si Candaza na ang “the one” para sa kanya.