Pinuri ng Caritas Philippines, ang advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court na palayain si dating Senador Leila de Lima.
Sinabi ni Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na ang desisyon ay maaaring ituring na triumph of justice para sa dating mambabatas na nakulong ng pitong taon sa mga kasong may kinalaman sa Illegal na droga.
Ang kanyang paglaya, sabi ni Bishop Bagaforo, ay nagsisilbing paalala na patuloy na ipaglaban ang hustisya partikular na para sa libu-libong inosenteng mahihirap na nasa kulungan.
Nanawagan din ang lider ng Simbahan sa gobyerno na panagutin ang lahat ng responsable sa kawalang-katarungang ginawa kay De Lima gayundin sa iba pang political prisoners.
Matatandaang pinayagan ng Muntinlupa RTC ang dating senador na makapagpiyansa ng P300,000 noong Nobyembre 13.
Ggayundin sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating driver/body guard na si Ronnie Dayan, police asset na si Jose Adrian Dera, at security aide na si Jonnel Sanchez.