-- Advertisements --
Nakiisa ang mga Cardinal sa iba’t ibang dako ng mundo sa taimtim na pagdarasal kasunod ng apela ni Pope Francis sa paggaling ni dating Pope Benedict XVI.
Una ng inihayag ni Pope Francis na malubha ang iniindang sakit ni Pope Emeritus Benedict dala na rin ng kaniyang edad na nasa 95 anyos na.
Ayon sa Vatican, lumala pa ang kalusugan ng dating Santo Papa sa nakalipas na mga oras.
Matatandaan na noong Pebrero ng taong 2013, ginulat ng dating Santo Papa ang simbahang Katoliko sa buong mundo matapos na magpasyang bumaba ito sa pwesto halos walong taon mula ng mapili bilang Santo Papa.