-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng American rapper na si Cardi B. ang pagkain nito ng balut.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng video ng pagkain ng balut.

Bago ito kumain ay makikitang nilagyan niya ng asin at lemon ang nasabing balut bago nito kutsarahin.

Sinabi nito na hindi niiya nagustuhan ang lasa ng nasabing balut dahil sa hilaw ang lasa nito.

Kahit ganun pa man ay masaya ito dahil nasubukan niya at maaring sa susunod na araw susubukan niyang kumain sa marunong magluto.