-- Advertisements --

Muling niyanig ng magnitude 4.6 na aftershocks ang hilaga ng kabisera ng Caracas nitong Lunes ng umaga (oras sa Venezuela).

Nabatid na bunsod ito ng kamakailang dalawang malalakas na lindol na tumama sa bansa.

Ayon sa mga awtoridad, walang naitalang panibagong pinsala mula sa aftershock.

Patuloy naman ang malawakang search and rescue operations sa mga apektadong lugar, lalo na sa La Guaira, na isa sa pinakamatinding tinamaan ng lindol.

Batay sa ilang report, umabot na sa halos 1,500 katao ang nasawi, habang marami pa rin ang nawawala at patuloy na hinahanap sa mga gumuhong gusali.

Dumadami rin ang tulong mula sa ibang bansa. Mahigit 24 na bansa ang nagpadala ng mga rescue teams, pagkain, at iba pang supplies upang makatulong sa Venezuela.

Sa kabilang banda isang 21-anyos na lalaki naman ang ligtas na na-rescue sa ilalim ng gumuhong gusali matapos ang mahigit 106 oras na paghahanap.

Isinagawa ang matagumpay na rescue operation sa tulong ng mga team mula Venezuela, Mexico, at El Salvador.