-- Advertisements --

Pumanaw na ang Canadian author at 2013 Nobel Prize winner for literature Alice Munro sa edad na 92.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak mula sa Port Hope, Ontario subalit hindi na binanggit ang dahilan ng kamatayan nito.

Mahigit 60 taon itong sumulat ng mga short stories na ang tinatalakay ay ang buhay sa Canada.

Kadalasan siyang ikinukumpara sa Russian writer Anton Chekhov.