Malapit nang makita sa mga restaurant sa Quezon City ang calorie count ng mga ibinebentang pagkain.
Ito ay matapos makapasa na ang Calorie ordinance sa QC at pirma na lamang ni Mayor Joy Belmonte ang hinihintay para tuluyan nang maipatupad sa big at middle scale restaurant ng lungsod.
Suportado naman daw ito ng malalaking negosyo at naipaabot na rin ang ilang hinaing ng mga middle scale businesses kung saan magbibigay naman umano ang QC ng technical assistance para tulungan silang maipatupad ang calorie ordinance.
Ayon kasi sa datos, maraming tao ang nagkakasakit at namamatay dahil sa poor diet at obesity na kalaunan ay nagreresulta ng kidney at heart failure. Isa sa mga dahilan daw nito ay hindi alam ng mga tao kung ilang asukal, asin, taba, at carbohydrates na ang naco-consume nila sa isang araw.
Ang naturang ordinance ay iprinesenta ng siyudad sa ginanap na 2nd Partnership for Healthy Cities Summit na ginanap sa Cape Town, South Africa ngayong buwan.