-- Advertisements --
Shariff Aguak 2
IMAGE | Shariff Aguak Municipal Police Station handout

MANILA – Sugatan ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang insidente ng pagsabog sa Maguindanao.

Batay sa ulat ng Shariff Aguak Municipal Police Station, nagtamo ng sugat ang isang Joey Reyes nang sumabog ang isang granada sa Lining Detachment ng 1st Mechanized Battalion ng Philippine Army sa Barangay Lapu-Lapu.

Agad isinugod sa Integrated Provincial Health Office ng lalawigan ang biktima.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga opisyal ang suspek sa naturang insidente.