-- Advertisements --

Itinalaga ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga Cabinet secretaries at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan para suportahan at tutukan ang laban ng mga ito sa COVID-19 pandemic.

Batay sa IATF Resolution No. 62, ang Quezon City ay pinatututukan kina Health Sec. Francisco Duque III at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ang Pasig City ay tututukan ni Education Sec. Leonor Briones at Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Ang Pateros ay tututukan ni MMDA Chairman Danilo Lim;
ang Marikina City ay nakatoka kay Labor Sec. Silvestre Bello III at CHED Chairman Prosperso de Vera III.

Samantal, ang Taguig City naman ay tututukan ni DILG Sec. Eduardo Año at BCDA CEO Vince Dizon habang ang Maynila ay tututukan ni DICT Sec. Gringo Honasan at ARTA Director-General Jeremiah Belgica at sa Mandaluyong City naman itinalaga si DTI Sec. Ramon Lopez.

Si National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr. naman sa Makati City; si NEDA Acting Sec. Karl Chua sa Sam Juan City; si DOTr Sec. Arthur Tugade sa Muntinlupa City habang si OPAPP Sec. Carlito Galvez Jr. naman ang tututok sa Parañaque City.Si DPWH Sec. Mark Villar naman sa Las Piñas City; si Presidential Spokesman Harry Roque sa Pasay City; si Agriculture Sec. William Dar sa Caloocan; sa Malabon City naman sina Sec. Bello at Chairma De Vera habang si DBM Sec. Wendel Avisado sa Navotas at si DOST Sec. Fortunato dela Peña sa Valenzuela City.

Nakasaad rin sa resolusyon na pinatututukan kay Justice Sec. Menardo Guevarra ang Bulacan; kay Defense Sec. Delfin Lorenzana ang Cavite; kay PCOO Sec. Martin Andanar ang Laguna habang kay Energy Sec. Alfonso Cusi naman ang Rizal.

Layon ng mga miyembro ng gabinete na magbigay ng mas pinaigting na suporta sa mga LGUs na itinalaga sa kanila lalo na sa mga lugar na mayroong mataas na community transmission ng COVID-19.

Kailangan rin na mahigpit na bantayan ng mga ito ang health system performance, critical care capacity at stringent compliance sa surveillance, isolation at treatment protocols ng mga LGUs na iniatas sa kanila.