-- Advertisements --
Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) matapos ang phreatic eruption ng bulkang Bulusan.
Sa advisory, pinag-iingat ng CAAP ang mga pilotong dadaan sa Bulusan Volcano.
Ang NOTAM ay notice mula sa CAAP para alertuhin ang mga aircraft pilots dahil sa panganib sa kanilang flight route o location na posibleng maglagay sa alanganin sa seguridad ng mga eroplano.
Ayon sa CAAP, ang NOTAM ay epektibo na kaninang alas-12:21 ng hapon hanggang alas-11:00 ng umaga ngayong Lunes.
Kanina lamang nang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status ng Bulusan Volcano mula 0 o normal sa Alert Level 1 o low-level unrest.