-- Advertisements --

Inaresto ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-7 sa bisa ng warrant of arrest ang isang businessman dahil sa kasong cyberlibel na isinampa ni OPAV Secretary Michael Dino.

Kinilala ang naaresto indibidwal na si Santiago Go, 44-anyos, at residente ng Brgy. Banilad, Cebu City.

Pinapakalat pa umano ni Go sa online messaging app ang mga pekeng impormasyon na ibinenta ni Dino sa Cebu City government ang mga COVID-19 test kits na donasyon mula sa South Korea sa pamamagitan ng Cristina Dino Foundation.

Nahaharap ngayon si Go ng kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.